Monday, June 1, 2009
cerveza negra
matapos ang di makakalimutang rebelasyon ko sa aking nararamdam kay summerpleasures, naging erratic na ang takbo ng buhay ko. feeling ko nabunotan ako ng tinik at naging tunay na akong paru- parong lumilipad sa bahaghari. tanggap ko na na wala kaming future as chorva pero nananatili pa rin akong umiibig sa kanya. sabi ng aking mga kaibigan ako raw ay humanap ng iba dahil marami pa raw'ng isda sa dagat. nagtry ako pero sa tuwing mayroon na akong nakaka-meow2x, nagigi-guilty ako sa sirili ko, sa taong ka- char at kay summerpleasures. feeling ko rebound ko lang sila kay summerpleasures. sa totoo lang, di ko siya kayang makalimutan dahil kahit saan ako lumingin, andyan siya. ang lahat ng kaibigan ko kay kaibigan niya. hirap na hirap na akong magmove- on. naaawa na ako sa sarili ko. awang-awa na ako. sinisisi kung bakit sa isang straight pa ako umibig. pinilit kong magbago para sa aking sarili, pero ngayon sa di mapasubaling paraan, ako'y bumabalik sa dati kong sarili. dependent sa alak at yosi. hirap na ako. tanga na kung tanga pero di ko na kaya. feeling ko akala niya wala lang ang lahat at ang pagkwento sa akin tungkol sa kanyang boyfriend ay nakatutulong sa akin. pero mali siya. mas naging mahirap ang lahat sa akin. hahay. alam ko na ang entry na ito ay napakasabog. walang logical flow kung baga. marahil dahil din ito sa di mapaliwanag kong nararamdaman ngayon. sabog at mabigat tulad ng cerveza negrang iniinum ko ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment