Tuesday, July 28, 2009
dahil hindi ako makatulog
alas 2:37 na nang umaga at hindi pa rin ako makatulog. marahil panay ang pag-iisip ko sa mga nangyayari sa aking "lovelife". sa totoo lang, simula nang nagkaroon ako ng bagong crush na itatago ko sa pangalang tamiya, akala ko ako ay nakamove-on na talaga kay summer pleasures. nagcoffee muli sa napakatagal ng panahon, nasabi ko rin sa kanya ang lahat2x. akala ko ok lang yun dahil may boyfriend na siya ngayon at ako ay may bagong crush. ngunit matapos iyon, para bang bumabalik ako sa dating pangunuglila at pambayung sa kanya. kahit pa sabihin man natin na ako'y nasasabik makita si tamiya, si summer pleasures pa rin ang hinahanap ko. ayaw ko nang maging martyr. di tulad ng dati na may konting saysay pa ang aking pagkunyami sa kanya, ngayon iba na. may boyfriend na siya. hanggang kailan ba ako magiging ganito kay marupok pagdating sa kanya? gusto ko ring lumigaya kahit di man siya ang kasama ko. sana dadating na rin ang taong mamahalin din ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)